My Perfect Hotel

May mga adMga in-app na pagbili
4.5
998K review
100M+
Mga Download
Rating ng content
Lahat
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan
Screenshot na larawan

Tungkol sa larong ito

😍 ISANG LARO PARA MALIBANG KA

Pinangarap mo bang magpatakbo ng sarili mong hotel? Magsimula sa umpisa sa nakakatuwa at mabilisang time-management game na ito kung saan ang layunin ay bumuo ng accommodation empire at ipakita ang dedikasyon mo sa hospitality. Ipamalas ang mga kakayahan mo bilang hotel manager, maging matalino sa pamumuhunan sa mga staff at pagpapahusay sa property, at kumayod para maging hospitality tycoon sa nakaka-addict at nakakaaliw na casual simulator na ito.

FIRST-CLASS NA SERBISYO 🎩

🧳 Abutin ang tuktok: Simulan ang laro bilang simpleng bellboy na mag-isang naglilinis ng mga kuwarto, bumabati sa mga guest sa reception, tumatanggap ng mga bayad at tip, at sumisiguradong may toilet paper sa banyo. Habang lumalaki ang balanse mo sa bangko, mag-upgrade ng mga kuwarto at pasilidad, at kumuha ng mga bagong staff para makatulong na tugunan ang tumataas na demand sa hotel mo. Kumportable mang natutulog ang mga guest mo, wala namang oras para magpahinga ang determinadong hotel tycoon.

🏨 Bumuo ng empire: May ilang hotel na puwedeng i-explore at i-expand, na bawat isa ay may dose-dosenang unique na upgrade na puwedeng gawin bago ka maging five-star. Magbukas ng mga hotel sa baybayin, sa magagandang bulubundukin, at sa gitna ng tahimik na kagubatan. Ipakita ang galing mo bilang manager sa bawat lokasyon, pagkatapos ay ma-promote para magkaroon ng bago at mas malaking property, at magpatuloy sa landas mo para maging tunay na hotel tycoon. Bawat hotel ay may sarili ding istilo at kapaligiran.

🔑 Magpatuloy lang: Kung gusto mong magtagumpay sa high-stakes na industriyang ito, hindi puwedeng magpapetiks-petiks ka lang sa property mo. I-upgrade ang bilis ng paggalaw mo at ng mga empleyado mo para mas mabilis kayong makapagtrabaho at maibigay ninyo sa inyong mga guest ang lahat ng serbisyong kailangan nila agad-agad — mapapalaki rin nito ang kita mo.

💰 Ang mga amenity ang sagot: Palakihin ang kita at makakuha ng mas maraming pondo para mag-invest sa nakakatuwang simulator na ito sa pamamagitan ng pagsigurado na nasa mga hotel mo ang lahat ng available na amenity. Ang mga banyo ang unang hakbang, pero magsikap para magkaroon ka na ng pagkakataong maglagay ng mga vending machine, restaurant, paradahan, at swimming pool sa mga property mo. Magbabayad ng dagdag ang mga guest para sa bawat pasilidad, na magpapalaki ng kita mo. Pero tandaan na bawat pasilidad ay mangangailangan din ng mga staff, kaya mag-hire ka na, kung hindi, malulunod ka sa trabaho at maiiwang nakapila ang mga galit na guest sa bawat amenity.

👔 Human resources: Kailangan ding kumayod para mapatakbo ang bawat pasilidad: dapat lagyan ng toilet paper ang mga banyo, dapat bigyan ng acccess sa paradahan ang mga guest, kailangang pagsilbihan ang mga customer at kailangang linisin ang mga mesa pagkakain nila sa restaurant, at kailangan mong siguraduhin na tuloy-tuloy ang supply ng malinis na tuwalya at malinis ang mga sun lounger sa pool. Wala kang oras para gawin itong lahat nang mag-isa, kaya mag-hire ka ng bagong staff, kung hindi, maiiwang nakapila ang mga galit na guest.

🎀 Mga engrandeng disenyo: I-upgrade ang accommodation para mapaganda ang experience ng mga guest sa property mo at pumili sa iba't ibang design ng kuwarto sa bawat lokasyon. Sa nakakaengganyong simulator na ito, hindi ka lang basta manager, interior designer ka rin!

FIVE-STAR NA SAYA

Naghahanap ka ba ng time-management game na orihinal at simpleng laruin at nagbibigay ng walang katapusang entertainment? Sumuong sa mabilisang mundo ng pagbibigay ng hospitality at hasain ang mga kakayahan mo bilang manager, investor, at designer.

I-download na ang My Perfect Hotel at simulan mo nang trabahuhin ang pagbuo ng accommodation empire.

Privacy Policy: https://say.games/privacy-policy
Terms of Use: https://say.games/terms-of-use
Na-update noong
Hul 23, 2024

Kaligtasan ng data

Nagsisimula ang kaligtasan sa pag-unawa kung paano kinokolekta at ibinabahagi ng mga developer ang iyong data. Posibleng mag-iba ang mga kagawian sa privacy at seguridad ng data batay sa iyong paggamit, rehiyon, at edad. Ang developer ang nagbigay ng impormasyong ito at posibleng i-update niya ito sa paglipas ng panahon.
Posibleng ibahagi ng app na ito ang mga ganitong uri ng data sa mga third party
Aktibidad sa app, Impormasyon at performance ng app, at Device o iba pang ID
Posibleng kolektahin ng app na ito ang mga ganitong uri ng data
Aktibidad sa app, Impormasyon at performance ng app, at Device o iba pang ID
Ine-encrypt ang data habang inililipat
Puwede mong hilinging i-delete ang data na iyon

Mga rating at review

4.4
903K review
Jowpsi Kopyahin
Marso 17, 2024
Please fix the bug. It happens when upgrading the room to level 2
Nakatulong ba ito sa iyo?
Jack Cruz
Disyembre 28, 2023
My sister and mom layed this so must be fun!
Naging kapaki-pakinabang ang review na ito sa 6 na tao
Nakatulong ba ito sa iyo?
Ariane Deguzman
Hulyo 22, 2023
I rate 4 cause it's keep glitching pls fix
Naging kapaki-pakinabang ang review na ito sa 9 na tao
Nakatulong ba ito sa iyo?